Linggo, Abril 23, 2017

Ang mga Pagkaing Pilipino ay ang pinagsanib-sanib na lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng Pilipinas.Hindi lang ugali at kultura ang tinuro at inimpluwensiya sa atin ng mga bansang sumakop sa atin. Maski ang mga lutuin natin ay naimpluwensiyahan na din ng iba't-ibang lahi na sumakop sa atin katulad ng mga Amerikano,Kastila, Hapones at iba pa. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ay ang kumain gamit ang kamay.

Noon pa man ay mahilig na talagang magluto ang mga Pilipino. Hindi natin maitatanggi na mahilig din tayo mageksperimento sa pagluluto kaya tayo nakakaimbento ng masasarap na putahe o lutuin. Makikita sa mga Pilipino kung gaano sila kasarap at kagaling magluto kahit kokonti lang ang ginagamit nilang karne o gulay,napapasarap nila  ito gamit ang iba't-ibang pampalasa sa pagkain. Ang mga pampalasa ng pagkain tulad ng patis,suka, at toyo sarili din nating produkto.

"Kainan na!"ito ay isa sa masasayang salita na naririnig kapag mayroong malaking okasyon, kaarawan, o maski nasa bahay ka lamang. Sinasalamin ng pananalitang ito ang pagkahilig ng Pilipino sa pagkain. Sa blog na ito ipapakita ko sa inyo ang mga pagkaing popular at patok dahil binabalik-balikan din ito ng mga turista. 

1. KARE-KARE
Ito ay isa sa pinaka tanyag na pagkaing pilipino at paboritong ihanda sa mga importanteng okasyon.



Servings: 6 na katao

Mga Sangkap

·         3 lbs oxtripe (pwede ring gamitin ang oxtail o beef )
·         1 bigkis ng petchay o bok choy
·         1 bigkis ng sitaw o string beans
·         4 piraso ng talong o eggplant
·         1 tasa ng giniling na mani o ground peanuts
·         ½ tasa ng peanut butter
·         ½ tasa ng bagoong o alamang
·         4 ½ tasang tubig
·         1 Mama Sitas Kare-kare mixture
·         ½ tasa tostadong giniling na bigas
·         1 kutsarang bawang o garlic, tinadtad
·         1 malaking sibuyas, tinadtad
·         asin at asukal pampalasa

Mga Tagubilin sa Paggawa

1.     Sa isang malaking kaldero, ilagay ang tubig at pakuluin.
2.     Ilagay ang oxtripe at pakuluin ito ng dalawa hanggang tatlong oras o hanggang sa lumambot.
3.     Sa sandaling lumambot na ang karne, ilagay ang giniling na mani, peanut butter, at Mama Sitas Kare-kare mixture at pakuluan ulit ng 5 hanggang 7 minuto.
4.     Ilagay ang tostadong giniling na bigas at pakuluan muli ng 5 minuto.
5.     Sa isang hiwalay na kaldero, igisa ang bawang at sibuyas at idagdag ang petchay, talong, at sitaw. Lutuin ito ng 5 minuto.
6.     Ilipat ang mga nalutong gulay sa isang malaking kaldero kung nasaan ang mga iba pang sangkap.
7.     Magdagdag ng asin pampalasa.
8.     Sa isang maliit na kawali maggisa ng bawang at ilagay ang alamang.
9.     Maglagay ng konting asukal para hindi masyadong maalat ang bagoong.
10. Ihain ng mainit na may kasamang bagoong.



2. ADOBO
Ito ay isa sa pinaka madaling lutuing pagkaing pilipino. Simple ngunit masarap.

Servings: 6 na katao

Mga Sangkap

·   2 1/2 lbs manok
·       1 malaking sibuyas
·        3 cloves ng bawang, tinadtad
·        5 tbsp. toyo
·        2 tbsp. suka
·        1 hanggang 2 tasang tubig
·        2 tbsp. mantika
·        3 dahon ng laurel
·        Kalamansi
·        Asin at pamintang buo pampalasa

Mga Tagubilin sa Paggawa

1.     Sa isang lalagyan, ipiga ang kalamansi(alisin ang buto) at ilagay ang bawang at toyo haluin.
2.     Ilagay ang manok at ibabad ng 1 oras.
3.     Painitin ang kaldero at ilagay ang mantika. Igisa ang sibuyas at bawang.
4.     Ilagay sa kaldero ang manok at ang pinagbabadan ng manok bilang sabaw sa ating adobo. Pakuluin.
5.     Ilagay ang pamintang buo, tubig at dahon ng laurel. Pakuluin hanggang sa maluto ang manok.
6.     Kapag kumulo na ito ilagay na ang suka at tansahin na ang lasa nito. Haluin at patayin sa kalan.
7.     Ihain ng mainit.



3. Lumpiang Shanghai


Servings: 6-8 katao

Mga Sangkap

·        2 lbs. giniling na baboy 
·        1 Karot
·        1 Green onion
·        1 malaking sibuyas
·        2 itlog
·        2 tsp. asin
·        2 tsp. paminta
·        ¼ tasang parsley
·        50 pirasong spring roll wrapper
·        3 tasang  mantika
·        ¼ tasang tubig


Mga Tagubilin sa Paggawa

1.   Sa isang lalagyan, ilagay ang giniling na baboy at pagsamahin ang mga sangkap simulan natin sa sibuyas, green onions, karot, parsley, asin, paminta at 1 itlog. Haluin ng mabuti.
2. Maglagay ng isang kutsarang ating tinimpla sa wrapper at ibalot ito ng mabuti. Gawin ito hanggang sa maubos ang ating timplada.
3. Ipainit ang kalan at maglagay ng mantika. Iprito ang mga lumpia ng 10 hanggang 15 minuto.
4. Alisin sa kalan at hayaang tumulo ang natirang mantika.
5. Ihain ng mainit na may kasamang matamis at maasim na sarsa.



















Mga Sanggunian: