Ang mga Pagkaing Pilipino ay ang pinagsanib-sanib na lutuin ng iba’t ibang mga
pangkat etniko ng Pilipinas.Hindi lang ugali at kultura ang tinuro at
inimpluwensiya sa atin ng mga bansang sumakop sa atin. Maski ang mga lutuin
natin ay naimpluwensiyahan na din ng iba't-ibang lahi na sumakop sa atin
katulad ng mga Amerikano,Kastila, Hapones at iba pa. Isa sa nakaugaliang
gawi sa pagkain ng mga Pilipino ay ang kumain gamit ang kamay.
Noon pa man ay mahilig na talagang magluto ang
mga Pilipino. Hindi natin maitatanggi na mahilig din tayo mageksperimento sa
pagluluto kaya tayo nakakaimbento ng masasarap na putahe o lutuin. Makikita sa
mga Pilipino kung gaano sila kasarap at kagaling magluto kahit kokonti lang ang
ginagamit nilang karne o gulay,napapasarap nila ito gamit ang iba't-ibang
pampalasa sa pagkain. Ang mga pampalasa ng pagkain tulad ng patis,suka, at toyo
sarili din nating produkto.
"Kainan na!"ito ay isa sa masasayang
salita na naririnig kapag mayroong malaking okasyon, kaarawan, o maski nasa
bahay ka lamang. Sinasalamin ng pananalitang ito ang pagkahilig ng Pilipino sa
pagkain. Sa blog na ito ipapakita ko sa inyo ang mga pagkaing popular at
patok dahil binabalik-balikan din ito ng mga turista.
1. KARE-KARE
Ito ay isa sa pinaka tanyag na pagkaing pilipino
at paboritong ihanda sa mga importanteng okasyon.
Mga Sangkap
·
3 lbs oxtripe (pwede
ring gamitin ang oxtail o beef )
·
1 bigkis ng petchay o
bok choy
·
1 bigkis ng sitaw o
string beans
·
4 piraso ng talong o
eggplant
·
1 tasa ng giniling na
mani o ground peanuts
·
½ tasa ng peanut
butter
·
½ tasa ng bagoong o
alamang
·
4 ½ tasang tubig
·
1 Mama Sitas Kare-kare
mixture
·
½ tasa tostadong
giniling na bigas
·
1 kutsarang bawang o
garlic, tinadtad
·
1 malaking sibuyas,
tinadtad
·
asin at asukal
pampalasa
Mga Tagubilin sa Paggawa
1. Sa isang malaking kaldero, ilagay ang tubig at
pakuluin.
2.
Ilagay ang oxtripe at
pakuluin ito ng dalawa hanggang tatlong oras o hanggang sa lumambot.
3.
Sa sandaling lumambot na
ang karne, ilagay ang giniling na mani, peanut butter, at Mama Sitas Kare-kare
mixture at pakuluan ulit ng 5 hanggang 7 minuto.
4.
Ilagay ang tostadong
giniling na bigas at pakuluan muli ng 5 minuto.
5.
Sa isang hiwalay na
kaldero, igisa ang bawang at sibuyas at idagdag ang petchay, talong, at sitaw.
Lutuin ito ng 5 minuto.
6.
Ilipat ang mga nalutong
gulay sa isang malaking kaldero kung nasaan ang mga iba pang sangkap.
7.
Magdagdag ng asin
pampalasa.
8.
Sa isang maliit na
kawali maggisa ng bawang at ilagay ang alamang.
9.
Maglagay ng konting
asukal para hindi masyadong maalat ang bagoong.
10. Ihain ng mainit na may kasamang bagoong.
2. ADOBO
Ito ay isa sa pinaka madaling lutuing pagkaing pilipino.
Simple ngunit masarap.
Mga Sangkap
· 2 1/2 lbs manok
· 2 1/2 lbs manok
· 1 malaking sibuyas
·
3 cloves ng bawang, tinadtad
·
5 tbsp. toyo
·
2 tbsp. suka
·
1 hanggang 2 tasang
tubig
·
2 tbsp. mantika
·
Kalamansi
·
Asin at pamintang buo
pampalasa
Mga Tagubilin sa Paggawa
1. Sa isang lalagyan, ipiga ang kalamansi(alisin
ang buto) at ilagay ang bawang at toyo haluin.
2. Ilagay ang manok at ibabad ng 1 oras.
3. Painitin ang kaldero at ilagay ang mantika.
Igisa ang sibuyas at bawang.
4. Ilagay sa kaldero ang manok at ang pinagbabadan
ng manok bilang sabaw sa ating adobo. Pakuluin.
5. Ilagay ang pamintang buo, tubig at dahon ng
laurel. Pakuluin hanggang sa maluto ang manok.
6. Kapag kumulo na ito ilagay na ang suka at
tansahin na ang lasa nito. Haluin at patayin sa kalan.
7. Ihain ng mainit.
3. Lumpiang Shanghai
Servings: 6-8 katao
Mga Sangkap
Mga Sangkap
·
2 lbs. giniling na baboy
·
1 Karot
·
1 Green onion
·
1 malaking sibuyas
·
2 itlog
·
2 tsp. asin
·
2 tsp. paminta
·
50 pirasong spring roll
wrapper
·
3 tasang mantika
·
¼ tasang tubig
Mga Tagubilin sa Paggawa
1. Sa isang lalagyan, ilagay ang giniling na baboy at pagsamahin ang mga sangkap simulan natin sa sibuyas, green onions, karot, parsley, asin, paminta at 1 itlog. Haluin ng mabuti.
2. Maglagay ng isang kutsarang ating tinimpla sa wrapper at ibalot ito ng mabuti. Gawin ito hanggang sa maubos ang ating timplada.
3. Ipainit ang kalan at maglagay ng mantika. Iprito ang mga lumpia ng 10 hanggang 15 minuto.
4. Alisin sa kalan at hayaang tumulo ang natirang mantika.
5. Ihain ng mainit na may kasamang matamis at maasim na sarsa.
2. Maglagay ng isang kutsarang ating tinimpla sa wrapper at ibalot ito ng mabuti. Gawin ito hanggang sa maubos ang ating timplada.
3. Ipainit ang kalan at maglagay ng mantika. Iprito ang mga lumpia ng 10 hanggang 15 minuto.
4. Alisin sa kalan at hayaang tumulo ang natirang mantika.
5. Ihain ng mainit na may kasamang matamis at maasim na sarsa.
Mga Sanggunian:
Isang magandang umaga sa iyo Elisa! Ako'y nagagalak sa iyong ginawang blog sa pagkat ito ay naglalaman ng mga makabagong kaalaman na maaring makatulong sa iba. Ang blog na iyong ginawa ay naging maganda sa akin sa pagkat simple :) kaya ang masasabi ko ay NAPAKAMAHUSAY!!!
TumugonBurahin